Top 10 Most Wanted Person ng PRO CALABARZON sa kasong 3 Counts of Statutory Rape, arestado sa Cavite

0
830

Arestado ang tinaguriang Top 10 Most Wanted Person ng Police Regional Office CALABARZON sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Block-8 Lot-62 Bria Homes, Brgy. Inocencio, Trece Martires, Cavite, nito lamang Mayo 12, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Hansel M Marantan, Regional Director ng PRO CALABARZON, ang suspek na si alyas “Dodong” na naaresto sa pamamagitan ng pinagsamang operasyon ng Indang Municipal Police Station, Cavite Maritime Police Station, at PNP CIDG Cavite Provincial Field Unit sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 3 counts ng statutory rape sa ilalim ng Republic Act No. 11648.

“Patuloy nating paiigtingin ang operasyon laban sa mga kriminal, lalo na sa mga sangkot sa karumal-dumal na krimen laban sa kababaihan at kabataan. Walang ligtas na pagtataguan ang mga lumalabag sa batas dito sa CALABARZON,” ani PBGen Marantan.

Source Regional Public Information Office 4A

Leave a Reply