Top 10 Most Wanted Person ng Davao Region sa kasong 7 Counts of Lascivious Conduct, arestado sa Leyte

0
724

Arestado ang tinaguriang Top 10 Most Wanted Person ng Davao Region sa joint operation ng mga awtoridad sa Purok Causwagan, MacArthur, Leyte nito lamang Hunyo 1, 2026.

Kinilala ni Police Major Nidzfar Aangkabong, Officer-In-Charge, Tagum City Police Station, ang suspek na si alyas Sab” binata, residente ng Barangay San Isidro, Tagum City, Davao del Norte na inaresto ng mga tauhan ng Tagum City Police Station Tracker Team at MacArthur Municipal Police Station Tracker Team sa bisa ng Warrant of Arrest kaugnay ng seven counts of Lascivious Conduct Defined and Penalized Under Section 5(b) of Republic Act No. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na may inirekomendang piyansa na aabot sa Php1,400,000.

Layunin ng operasyon na ilagay sa likod ng rehas ang mga indibidwal na may kinakaharap na kaso sa batas, mapanagot ang mga lumalabag sa batas, at higit pang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mamamayan sa komunidad na naaayon sa mantra ng PNP na  “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply