Arestado ng kapulisan ng Medellin ang Top 10 Most Wanted Person na isang estudyante na may kasong 2 Counts ng Rape sa Barangay Poblacion, Medellin, Cebu, noong ika-6 ng Agosto 2024.
Kinilala ni Police Major Timothy Jim P Romanillos, Chief of Police ng Medellin Municipal Police Station, Cebu Police Provincial Office ang estudyanteng suspek na si alyas “Raymun”, 20 anyos at residente ng Purok Cadre, Barangay Poblacion, Medellin, Cebu.
Bandang 10:30 ng umaga ng maaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong 2 Counts ng Rape.
Ang matagumpay na pagkaaresto ng suspek ay bunga ng pinagsanib-pwersa ng kapulisan ng Medellin MPS, CIDG PFU-7, at Cebu PIT RIU-7.
Ang PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling ligtas, tahimik, at maayos ang komunidad tungo sa maayos at ligtas na bagong Pilipinas.
Source: Medellin MPS SR