Top 10 Most Wanted Person na may kasong Statutory Rape, arestado sa Lapu-Lapu City

0
644
created by InCollage

Arestado ng Lapu-Lapu City PNP ang Top 10 Most Wanted Person na may kasong Statutory Rape sa Purok Yellowbell, Barangay Looc, Lapu-Lapu City, Cebu, noong ika-20 ng Agosto 2025.

Kinilala ni PMaj Felix C Cleopas III, Station Commander ng Police Station 3, Lapu-Lapu City Police Office, ang suspek na si alyas “Marvin”, 22-anyos na residente ng Sangi Interior Pajo, Lapu-Lapu City, Cebu.

Ayon kay PMaj Cleopas III, bandang 8:55 ng gabi nang maaresto ng mga awtoridad ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape na walang rekomendadong piyansa.

Ang kapulisan ng Lapu-Lapu City ay walang tigil sa pagsasagawa at pagpapaigting ng kampanya laban sa anumang uri ng kriminalidad upang masiguro ang kaayusan sa kanilang nasasakupan dahil sa Bagong Pilipinas, ang Gusto ng Pulis, Ligtas ka!

Source: LCPO SR