Arestado ng mga tauhan ng Warrant at Subpoena Unit ng ParaƱaque City Police Station ang Top 1 Station Level Most Wanted Person para sa kasong Rape bandang 2:15 ng hapon ng Lunes, Pebrero 5, 2024 sa Barangay San Dionisio, ParaƱaque City.
Kinilala ni PBGen Mark D Pespes, Director ng Southern Police District na si alyas “Arnold,” 32 taong gulang, courier/driver.
Si alyas “Arnold” ay may nakabinbing Warrant of Arrest na 4 Counts of Rape by Sexual Assault at 2 Counts sa Paglabag sa Seksyon 5(B) ng RA 7610.
Patuloy ang Southern Police District sa paghahanap sa mga indibidwal na nagtatago sa batas upang panagutin sa kanilang pagkakasala at para maibigay ang hustisya sa kanilang mga nabiktima.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos