Top 1 Municipal Most Wanted Person sa kasong Rape, arestado ng Angat PNP

0
1709

Arestado ng mga awtoridad ang tinaguriang Top 1 Municipal Most Wanted Person sa kasong Rape sa Barangay Binagbag, Angat, Bulacan nito lamang ika-30 ng Hulyo 2025.

Kinilala ni Police Captain Jayson M Viola, Hepe ng Angat Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Imaw”, 22 anyos, walang trabaho at residente ng Barangay Binagbag, Angat, Bulacan

Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape na walang  inirekomendang piyansa.

Patuloy ang Bulacan PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon at inisyatiba bilang bahagi ng kanilang mas pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad at upang mapanatili ang kaayusan sa buong lalawigan.

Panulat ni Pat Pearl Crystalynne Javier