Arestado ang tinaguriang Top 7 Most Wanted Person sa Regional Level ng PRO BAR, Top 1 MWP naman sa Provincial Level ng Lanao del Sur PPO at Top 1 MWP sa Municipal Level din ng Marawi City sa kasong 2 Counts of Rape sa Barangay Pagalamatan, Marawi City, Lanao del Sur noong ika-1 ng Marso 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Thomas P Pantaleon Jr., Chief ng Provincial Special Operations Group, ang suspek na si alyas “Aser”, isang karpintero na residente ng CRS Housing, Rorogagus Proper, Marawi City, Lanao del Sur.
Ang suspek ay naaresto sa pamamagitan ng pinagsanib pwersa ng Lanao del Sur 1st Provincial Mobile Force Company, 1403rd Regional Mobile Force Company at Marawi City Drug Enforcement Unit at sa bisa ng Warrant of Arrest dahil sa kasong 2 Counts of Rape.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay resulta ng epektibong pagpapatupad ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa kanilang sinumpaang tungkulin na mapanagot sa batas ang mga taong nagkasala para makamit ang hustisya para sa kanilang mga biktima tungo sa maayos at mapayapa na bansa.