Antique – Arestado ng pulisya ang Top 1 Most Wanted Person ng Libertad Municipal Police Station kasong paglabag sa RA 7610 sa Barangay Maramig, Libertad, Antique nito lamang ika-6 ng Setyembre 2022.
Kinilala ni Police Captain Josielito M Yana ang suspek na si Transroen Maglantay y Ebon, 28, residente ng Barangay Maramig, Libertad, Antique.
Ayon kay PMaj Yana, nahuli ang suspek ng mga tauhan ng Libertad MPS sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Section 5 (b), Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na may piyansang Php180,000.
Pinuri naman ni PBGen General Leo M Francisco ang mga operatiba sa determinadong pagsisikap nito sa kampanya laban sa mga wanted person upang isulong ang tunay na kapayapaan sa kanilang nasasakupan.