Northern Samar – Naaresto ang isang lalaki sa ikinasang Oplan Pagtugis ng mga kapulisan ng Northern Samar noong Marso 21, 2022 sa kasong Qualified Theft.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Seth Mark Alob, Force Commander ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company ang suspek na si Elmer Raptos Pinca, 47, may asawa, mangingisda at residente ng Brgy. Mualbual, Laoang, Northern Samar.
Ayon kay PLtCol Alob, sa ganap na 11:05 ng umaga naaresto si Pinca sa Brgy. Onay, Laoang, Northern Samar ng pinagsanib puwersa ng mga operatiba ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company, CIDG NSPFU, 803rd RMFB at RDEU PRO 8 NS PHPT.
Ayon pa kay PLtCol Alob, ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Qualified Theft (14 counts) kaugnay sa RA 10175 Sec 6 na may Criminal Case No. R-QZN-17-02682-95-CR na inilabas ni Hon. Caridad M. Walse-Lutero, Regional Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 223, Quezon City noong July 14, 2017 at may piyansang Php24,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Magpapatuloy ang pagpapaigting ng mga kapulisan ng Northern Samar sa pagsagawa ng Oplan Pagtugis para mahuli at mapanagot ang mga lumalabag sa batas.
###
Saludo tayo s mga kapulisan good job