Suspek sa carnapping, arestado ng San Rafael PNP; motorsiklo, narekober sa Bulacan

0
19

Arestado ang isang lalaking suspek matapos nakawin ang motorsiklo ng kanyang bayaw sa Brgy. Salapungan, San Rafael, Bulacan nito lamang madaling araw ng Setyembre 4, 2026.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Lawrence Gerald A Bathan, hepe ng San Rafael Municipal Police Station, ang suspek ay kinilala na isang 36 taong gulang na lalaki, walang trabaho at residente ng Brgy. Salapungan, San Rafael, Bulacan habang kinilala naman ang biktima na isang 36 taong gulang na lalaki, bayaw ng suspek, at magkasamang nakatira sa nasabing lugar.

Ayon sa imbistigasyon, dakong 1:35 ng madaling araw, nang kunin umano ng suspek ang black HONDA TMX 125 ALPHA na may plate number 544WFJ, habang ito ay nakaparada sa loob ng kanilang garahe. Lumabas sa imbestigasyon na planong ibenta ng suspek ang motorsiklo upang tustusan umano ang kanyang pagsusugal at paggamit ng ilegal na droga.

Matapos i-report sa himpilan dakong alas 2:00 ng hapon, agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga Intelligence Operatives ng San Rafael MPS na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pagkakarekober sa ninakaw na motorsiklo dakong 5:15 PM sa tabi ng isang cockpit arena sa Brgy. San Pedro, Bustos, Bulacan.

Kasong paglabag sa Republic Act No. 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016 ang kakaharapin ng suspek.

Patuloy na pinaigting ng Bulacan Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Jay B Baybayan, Acting Provincial Director, ang mga operasyon laban sa carnapping at iba pang krimen upang maprotektahan ang ari-arian at kaligtasan ng mga Bulakenyo na naaayon sa adbokasiya ng ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Bulacan Police Provincial Office

Leave a Reply