Suspek na sangkot sa illegal fuel offloading, arestado sa Aklan

0
372

Arestado ng Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng PNP-Maritime Group ang isang suspek na sangkot umano sa illegal fuel offloading sa New Washington, Aklan nito lamang April 27, 2026.

Ayon sa pulisya, nakatanggap umano ng ulat ang Aklan Maritime Police Station – Dumaguit Maritime Law Enforcement Team (MLET) mula sa isang concerned citizen kaugnay sa lalaking suspek na nahuling nagnanakaw ng gasolina mula sa isang  fuel tanker truck gamit ang isang improvised hose nang walang permit o anumang pahintulot.

Narekober ng mga kapulisan sa lugar ang isang  fuel tanker truck, na may lamang tinatayang nasa 300 litro ng gasolina, at iba pang mga improvised equipment na ginamit sa paglipat ng nasabing produkto. Aabot umano ang kabuuang halaga ng mga nakumpiska sa Php900,000.00.

Pinuri naman ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang lahat ng mga operating units sa kanilang agarang pagresponde upang hindi na makatakas ang nasabing suspek.

“Malinaw na hindi natin kukunsintihin ang ganitong uri ng ilegal na aktibidad, lalo na kung may kinalaman sa produktong kritikal tulad ng petrolyo. Sa panahon ngayon, mahalaga ang maayos at legal na distribusyon nito. Patuloy nating paiigtingin ang ating operasyon upang maprotektahan ang publiko,” saad pa niya.

“Sa ating mga kababayan, maging mapagmatyag po tayo. Kung may napapansing kahina-hinalang gawain, agad ipagbigay-alam sa inyong kapulisan. Ang kaligtasan at kaayusan ay responsibilidad nating lahat,” paalala pa ng hepe.

Bilang bahagi ng PNP Focused Agenda na Enhanced Managing Police Operations, alinsunod sa direktiba ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na bantayan ang seguridad ng enerhiya, tiniyak ng PNP-Maritime Group sa publiko na nananatili silang handa upang supilin ang lahat ng mga ilegal na aktibidad partikular na sa lahat ng mga coastal at maritime areas sa bansa.

Leave a Reply