Suspek, arestado sa ilegal na droga sa Cebu City; Php68K shabu, nasamsam

0
21

Matagumpay na naaresto ng City Intelligence Unit (CIU) ng Cebu City Police Office (CCPO) ang isang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation bandang alas-2:30 ng madaling-araw noong Mayo 24, 2026 sa kahabaan ng Gemsville Road, Barangay Lahug, Cebu City.

Ayon kay PCol George V Ylanan, City Director ng Cebu City Police Office, isinagawa ang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na nagresulta sa pagkakasamsam ng humigit-kumulang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price (SDP) na nagkakahalaga ng Php68,000

Agad na inaresto ang suspek at kasalukuyang nakapiit sa Cebu City Detention Facility habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso para sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patunay ang operasyong ito sa walang humpay na pagsisikap ng kapulisan na sugpuin ang ilegal na droga at panagutin ang mga lumalabag sa batas para sa mas ligtas at maayos na komunidad alinsunod sa adhikain ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat at nararamdaman.”

Leave a Reply