Nueva Vizcaya – Nagsagawa ng Social Media Platform Enhancements Seminar Workshop ang Novo Cops na ginanap sa Acosta Hall, Camp Saturnino Dumlao, Bayombong, Nueva Vizcaya nitong Enero 30, 2023.
Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ng Provincial Community affairs and Development Unit sa pangunguna ni PLtCol Orlando Tacio, Chief, PCADU NVPPO na dinaluhan ng mga future bloggers mula Police Community Relations PNCO at mga Non-uniformed personnel ng iba’t ibang mga Police Stations ng lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Ayon kay PCol Camlon Nasdoman, Provincial Director ng NVPPO, makakatulong ito sa mga PNP content creator o blogger na maipabatid sa publiko ang mahahalagang impormasyon at mga aktibidad ng PNP mula sa NVPPO.
Ginawaran naman ng pagkilala ang tauhan ng RPCADU 2 na si PSSg Jeff John Nabasa Social Media Handler, na nagsilbing guest lecturer ng nasabing workshop sa patuloy na pagpapalawig ng kaalaman ng PNP patungkol sa Social Media.
Sa patuloy na paglawig ng teknolohiya ay kabuntot nito ang nagbabagong henerasyon kung saan mahalagang mabatid ng ating kapulisan ang naaayon at tamang pagbibigay impormasyon patungkol sa Social Media.
Source: RPCADU 2
Panulat ni Patrolman Rustom T Pinkihan