Friday, September 20, 2024

Singing Cops of the Philippines 2024, tuloy na tuloy ngayong buwan

Tuloy-tuloy pa rin ang paghahanda ng ating mga pulis na mang-aawit o “singing cops,” ito ay kasunod sa Preliminary Judging ng Singing Cops of the Philippines 2024 na ginanap nito lamang September 10, 2024 sa Bulwagang Lapu Lapu, Camp Crame, Quezon City.

Ang Singing Cops of the Philippines 2024 ay inisyatibo ng Officers’ Ladies Club Foundation Incorporated (OLCFI) katuwang ang Pambansang Pulisya sa pangunguna ng Directorate for Police Community Relations at Police Community Affairs and Development Group na naglalayong ipakita sa buong mundo ang natatanging talento at kakayahan ng ating mga pulis sa larangan ng pagkanta. Bukod pa rito, layunin din nitong makapaghatid ng tulong-pinansyal mula sa pondong maiipon, partikular na sa mga cancer-stricken PNP personnel na siyang pangunahing benepisyaryo ng naturang programa.

Ang mga kalahok ng naturang singing contest ay binubuo ng mga pulis mang-aawit mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Mula sa 17 kalahok, tanging ang Top 10 performers lamang ang uusad at mapapabilang sa Grand Finale.

Matapos ang nakakakabang Preliminary Judging, tuluyan ng itinanghal ang Top 10 Singing Cops ngayong taon.

Binubuo ito ni Patrolman Joeselle Sacmar ng NCRPO; Patrolman Paele John Curaming ng PRO 5; Patrolwoman Kershean Uy ng PRO 10; Police Staff Sergeant Jo-Nah Belle Arcenal PRO 6; Patrolman Nelito James R Muñoz ng PRO 9; Police Staff Sergeant Irish Joy A Laureto ng PRO 13; Patrolwoman Stephanie Gadingan ng PRO 7; Patrolman Regner C Trobillas ng PRO 11; Police Corporal Michael Maquilan ng PRO 8; at Police Corporal Lyka Princess U Dela Cruz ng PRO 4A.

Handa na rin ang mga bumubuo ng Panel of Judges sa gagawing Grand Final’s Night na binubuo ng mga kilalang tao at personalidad sa larangan ng musika na sina Ms Token Lizares, Singer/Recording Artist; Ms. Dulce Llamedo-Cruzata, Singer/Actress; Mr. Vehnee Saturno, Composer at Songwriter; Mr. Rannie Raymundo; Mr. Ryan Englis; Mr. Joel Teodoro; Mr. Jude Michael, Musical Artist at ang Group of Pikata.

Samantala inanyayahan naman ng PNP ang publiko na makiisa at tunghayan ang ating mga Singing Cops sa kanilang kaabang-abang na performance sa Grand Final’s Night na nakatakdang gaganapin sa Music Museum, San Juan City sa darating na September 27, 2024.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles