Serbisyong Pangkalusugan Nutrition Fair 2025, isinagawa ng RMDU 7 kasabay ng pagdiriwang ng PCR Month

0
823

Idinaos ng Regional Medical and Dental Unit 7 ang Serbisyong Pangkalusugan: Nutrition Fair 2025 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Police Community Relations Month, nitong Martes, Hulyo 30, 2025 sa PRO7 Parade Ground, Camp Sergio OsmeƱa Sr., Cebu City.

Pinangunahan ang aktibidad ni Police Lieutenant Colonel Mari-len P. Ignacio, Officer-in-Charge ng RMDU 7, habang nagsilbing panauhing pandangal at keynote speaker si Police Brigadier General Dionisio Badongen Bartolome Jr., Deputy Regional Director for Administration, bilang kinatawan ni Police Brigadier General Redrico A. Maranan, Regional Director ng PRO 7.

Layunin ng Nutrition Fair na palakasin ang kaalaman at pagpapahalaga ng mga PNP personnel sa wastong nutrisyon at malusog na pamumuhay.

Kabilang sa mga isinagawang aktibidad ang Taebo class bilang panimulang ehersisyo, Information drive kasama ang AMWSLAI, Ceremonial giving of fruit packs, lecture patungkol sa Awareness on Healthy Choices and Nutrition, Body Composition Analysis, Nutrition Assessment and Counselling, at pamimigay ng multivitamins at iba pang promotional materials mula sa mga katuwang na organisasyon.

Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng mga partners at stakeholders gaya ng Nutritionist-Dietician Association of the Philippines – Cebu Chapter, Yakult Philippines, AMWSLAI, Kalbe International, at Anytime Fitness.

Humigit-kumulang 80 benepisyaryo mula sa mga personnel ng PRO 7 ang lumahok sa programa.

Ang ganitong mga aktibidad ay patunay sa walang humpay ang pagsusumikap ng RMDU 7 at ng buong hanay ng mga kapulisan ng PRO7 na tiyakin ang kapakanan, kalusugan, at kabuuang wellness ng kanilang hanay bilang katuwang sa pagbibigay ng makabuluhang serbisyo publiko.