Seguridad sa Welcome Rotonda, patuloy na binabantayan ng PNP

0
485

Patuloy na binabantayan ng Philippine National Police ang seguridad sa Welcome Rotonda, Quezon City nito lamang Mayo 1, 2026.

Nabatid na 100 pulis mula sa Quezon City Police District at National Capital Region Police Office sa ilalim ng liderato ni Police Major General Anthony A. Aberin, Regional Director, ay magpapatrulya upang tiyakin ang seguridad at kaayusan matapos ang isinagawang kilos-protesta kaugnay sa Labor Day.

Samantala, nakaantabay pa rin ang pulisya kahit nakaalis na ang mga raliyista at kasalukuyang maayos, mapayapa at walang naitalang insidente habang isinagawa ang kilos-protesta sa naturang lugar.

Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaayusan at kapayapaan sa pagbibigay ng seguridad sa gitna ng serye ng kilos-protesta sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply