Search and Rescue Operation sa nawawalang mga mangingisda, isinagawa sa Roxas, Oriental Mindoro

0
635

Nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Oriental Mindoro MARPSTA sa iniulat na nawawalang mga indibidwal na nakipagsapalaran sa pangingisda sakay ng kanilang walang markang pulang kulay na motorized fishing banca sa Sitio Iliwan, Barangay Dangay, Roxas, Oriental Mindoro nito lamang ika-24 ng Pebrero 2025.

Nakatanggap ng tawag sa telepono ang Oriental Mindoro MARPSTA mula kay Ginang Fely Aganan, residente ng Sitio Iliwan, Barangay Dangay, Roxas, Oriental Mindoro hinggil sa insidente. Agad na nagsagawa ng joint search and rescue operation ang mga tauhan ng Oriental Mindoro MARPSTA/Roxas MLET sa pangunguna ni PMSg Gilberto L. Cunanan, Team Leader, sa ilalim ng pangangasiwa ni PMaj Patricio A Corcha Jr, Chief, Oriental Mindoro MARPSTA, katuwang ang MDRRMO Roxas at PCG Roxas Substation.

Habang isinasagawa ang nasabing operasyon, namataan ng team ang mga nawawalang indibidwal sakay pa rin ng kanilang unmarked motorized banca at lumulutang sa tubig dagat ng Mansalay, Oriental Mindoro.

Matagumpay na nailigtas ang mga ito at dinala sa baybayin ng Sitio Iliwan, Barangay Dangay, Roxas, Oriental Mindoro. Ihahatid sila ng MDRRMO Roxas, kasama ang kanilang pamilya, sa Oriental Mindoro Southern District Hospital (OMSDH) para sa paunang lunas at pagsusuri sa kalusugan.

Ang kapulisan ay nananatiling nakatuon sa pagtiyak ng kaligtasan at pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan, na muling pinagtitibay ang dedikasyon sa serbisyo at kaligtasan.

Source: Oriental Mindoro MARPSTA