Nasa kabuuang 435 indibidwal ang naitala ng mga kapulisan ng Cebu Police Provincial Office (PPO) sa ipinatupad nitong Anti-Criminality Plan sa ilalim ng Safer Cities Initiative Campaign noong September 22, 2026.
Ayon sa datos ng Cebu PPO, nakapagsagawa ng 342 operasyon sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan. Sa kabuuang 435 indibidwal na nahuli, 303 dito ang pinagmulta habang 132 naman ang nabigyan ng warning. Wala namang nakasuhan sa mga nahuling lumabag ng mga lokal na ordinansa at batas ngunit nakapagtala ang kapulisan ng kabuuang Php152,450 halaga ng multa.
Sa nasabing mga lumabag, ang paglabag sa city at municipal traffic ordinances pa rin ang pinakamarami na umabot sa 303 mga paglabag. Sumunod naman ang pag-iinom sa mga pampublikong lugar na mayroong 47 kaso, paninigarilyo sa pampublikong lugar na mayroong 23 kaso at paglalakad ng walang pang-itaas na damit na mayroong 18 kaso. Nakapagtala naman ng 36 menor de edad na lumabag sa curfew hours.
Binigyang-diin naman ni Police Colonel Abubakar Udang Mangelen Jr., Provincial Director ng Cebu Police Provincial Office (PPO) ang layunin ng kampanya upang mapaigting ang disiplina ng mga residente sa pagtalima sa lahat ng batas kabilang na ang mga lokal na ordinansa alinsunod sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Aniya, “Our Safer Cities operations are not simply about apprehending violators. They are about promoting discipline, responsible behavior, and respect for the rules that help keep our communities safe and orderly. We will continue to enforce local ordinances fairly and consistently while ensuring that every police action remains lawful, professional, and respectful of the rights of the people.” (Ang aming mga operasyon sa Safer Cities ay hindi lamang tungkol sa paghuli sa mga lumalabag. Ito ay tungkol sa pagtataguyod ng disiplina, responsableng pag-uugali, at paggalang sa mga patakaran na tumutulong upang mapanatiling ligtas at maayos ang ating mga komunidad. Patuloy naming ipatutupad ang mga lokal na ordinansa nang patas at walang kinikilingan habang tinitiyak na ang bawat aksyon ng kapulisan ay nananatiling naaayon sa batas, propesyonal, at magalang sa mga karapatang pantao).
Ito rin ay sinuportahan ni Police Brigadier General Arnold Evangelista Abad, Regional Director ng Police Regional Office 7, na sinabing mahalaga ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng iba’t ibang yunit ng pulisya sa rehiyon katuwang ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan para sa katagumpayan ng Safer Cities Initiatives Campaign ng pamahalaan.
“The enforcement of local ordinances is an important part of maintaining peace and order in our communities. We commend our police personnel and our local government partners for their continued efforts to promote discipline and compliance with the law. Through sustained police presence, proper enforcement, and strong coordination with our communities, we can prevent disorder and create safer places for everyone,” (Ang striktong pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa ay isang mahalagang bahagi ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating mga komunidad. Pinupuri namin ang aming mga tauhan at mga katuwang na lokal na pamahalaan para sa kanilang patuloy na pagsisikap na itaguyod ang disiplina at pagsunod sa batas. Sa pamamagitan ng patuloy na presensya ng kapulisan, wastong pagpapatupad ng batas at matibay na koordinasyon sa ating mga komunidad, maiiwasan natin ang kaguluhan at makakalikha tayo ng mas ligtas na nga pamayanan para sa lahat), pahayag pa niya.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1Dqp4Rw5bm/?mibextid=wwXIfr

