RPSB at komunidad, nagkaisa sa pagsasaayos ng Day Care Center sa Esperanza, Masbate

0
115

Sa pangunguna ng Masbate 2nd Provincial Mobile Force Company/R-PSB Team Tawad na pinamumunuan ni PSSg Christian Louie M. Mondoñedo, katuwang ang Child Development Worker, kasama ang mga magulang, SK Officials, youth volunteers, at Barangay Council,matagumpay na natapos ang tatlong araw na “Bayanihan Bulilit 2026” sa Tawad Day Care Center, Brgy. Tawad, Esperanza, Masbate, kamakailan lamang.

Naging sentro ng aktibidad ang pagpipintura, pagpapaganda, at iba’t ibang pagkukumpuni sa Day Care Center upang maging mas malinis ito at mas maliwanag at kaaya-ayang lugar para sa pagkatuto ng mga kabataan, lalo na bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Ipinakita rin ng aktibidad ang tunay na diwa ng bayanihan, pagkakaisa, at malasakit ng komunidad at kapulisan para sa kapakanan at kinabukasan ng mga batang mag-aaral.

Alinsunod sa hangarin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” patuloy ang PNP na makipagtulungan sa komunidad para sa pagpapabuti ng pasilidad na magsisilbing pangalawang tahanan ng mga bata habang sila ay natututo at nangangarap para sa kanilang magandang kinabukasan.

Leave a Reply