RMFB1, sinigurado ang seguridad sa harap ng CRB Mendiola

0
865

Matatag na presensya at mataas na antas ng kahandaan ang ipinamalas ng Regional Mobile Force Battalion 1 CDM Contingents matapos silang ma-deploy sa harap ng CRB Mendiola upang tiyakin ang seguridad at kaayusan sa lugar ngayong araw, ika-30 ng Nobyembre, 2025.

Ang mga Contingents ay nakapuwesto nang stratehiko bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng seguridad, lalo na sa mga pagkakataong may inaasahang pagtitipon o aktibidad ng publiko.

Pinangungunahan nina PMaj Fermin F. Sudaypan, PLt Chester James Alibania, at PLt Raymark Caguioa ang nabanggit na aktibidad. Tinitiyak nila ang tamang pagposisyon ng mga personnel, maayos na pamamahala ng Crowd, at mabilis na pagtugon sakaling magkaroon ng anumang insidente.

Ang Deployment na ito ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno ni PCol Fidel de Guzman Junio, Force Commander ng RMFB1, at sa pangkalahatang superbisyon ni PBGen Dindo R. Reyes, Regional Director ng PRO1.

Ang kanilang nagkakaisang pamumuno ay nagpapalakas sa adbokasiya ng RMFB1 para sa disiplinadong seguridad at tuloy-tuloy na proteksyon sa komunidad.

Patuloy na tinitiyak ng RMFB1 na mananatiling ligtas, maayos, at payapa ang publiko sa tulong ng kanilang dedikasyon sa serbisyong may integridad at malasakit.

Panulat ni PMSg Bader Ceasar Ayco

Source: RMFB 1