RMFB 15, naghatid ng wheelchair at tulong sa benepisyaryong may Cerebral Palsy sa Apayao

0
139

Naglunsad ng humanitarian outreach activity ang mga tauhan ng 1505th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB15), sa pangunguna ni PCpt Byron L. Dulansi, Acting Company Commander, noong Hulyo 14, 2026 sa Sitio Namnama, Sumigui, Luna, Apayao.

Isinagawa ang aktibidad sa pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Luna bilang bahagi ng patuloy na pagpapalawak ng serbisyong pangkomunidad.

Sa naturang aktibidad, ipinagkaloob ng RMFB15 ang isang wheelchair na donasyon ng mga katuwang na stakeholder at mga food pack kay Jasmin Agpuldo, isang 22-anyos na residente na may cerebral palsy. Layunin ng ipinagkaloob na wheelchair na makatulong sa kanyang paggalaw at mapagaan ang kanyang pang-araw-araw na pamumuhay.

Isinagawa ang programa sa ilalim ng Panag-aywan Iti Kailiyan (PIK) Program ng RMFB15 na naglalayong maghatid ng tulong, pangangalaga, at pag-asa sa mga nangangailangang indibidwal at pamilya.

Patuloy na isinusulong ng Philippine National Police ang mga programang nagbibigay ng malasakit at direktang tulong sa mga komunidad bilang bahagi ng mas malawak nitong layunin na mapalapit sa mamamayan. Ang mga inisyatibang ito ay sumasalamin sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP 1505th MC, RMFB 15

Leave a Reply