Agusan del Sur- Isinagawa ng Sibagat PNP ang Revitalized PNP KASIMBAYANAN o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan sa Tabon-tabon Multi-Purpose Hall, Tabon-tabon, Sibagat, Agusan del Sur bandang 1:00 ng hapon ng Linggo, Oktubre 23, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Emil Barro, Officer-In-Charge ng Sibagat Municipal Police Station, kung saan dinaluhan ito ng Local Government Unit ng Tabon-tabon, Faith-Based Group, Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT), Fraternity/Sorority at iba pang stakeholders.
Layunin ng aktibidad na ipaalam sa publiko ang hangarin ng KASIMBAYANAN Program kung saan papalakasin nito ang ugnayan ng bawat isa na magtutulungan sa pagkakaroon ng maayos, mapayapa at maunlad na komuninad.
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU13