Regional Most Wanted Person sa kasong pagnanakaw, arestado ng Cavite PPO sa Dasmariñas City

0
70

Arestado ang isang Regional Most Wanted Person sa kasong theft sa isinagawang manhunt operation ng Cavite Police Provincial Office (PPO) sa Brgy. Sampaloc IV, Dasmariñas City, Cavite, dakong 7:30 ng umaga noong Nobyembre 13, 2026. Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Milk,” residente ng nasabing lungsod.

Isinagawa ang operasyon ng Provincial Intelligence Unit, katuwang ang warrant personnel ng Dasmariñas Component City Police Station, bilang bahagi ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation. Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas noong Oktubre 5, 2026 ng Municipal Trial Court Branch 1, Imus City, Cavite, kaugnay ng pagpapatupad ng hatol sa kasong theft.

Ipinaalam sa naarestong suspek ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto at ipinaunawa ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang nauunawaan. Ang suspek ay dadalhin sa custodial facility ng Dasmariñas CCPS para sa pansamantalang kustodiya habang hinihintay ang pagpapalabas ng Commitment Order.

Ayon kay Cavite PPO Provincial Director PCol Ariel R. Red, mahalaga ang tuloy-tuloy na intelligence-driven operations at mahigpit na koordinasyon ng mga yunit ng kapulisan upang maipatupad ang mga kautusan ng korte at matiyak na ang mga nahatulan ay magsisilbi sa kanilang sentensiya alinsunod sa batas.

Patuloy namang isinusulong ng PNP ang pagpapatupad ng batas na may paggalang sa karapatang pantao at alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Cavite PPO (https://www.facebook.com/share/p/1BzHXTWfE4/)

Leave a Reply