Arestado ng mga tauhan ng Tanza Municipal Police Station ang isang Most Wanted Person sa Regional Level sa kasong Rape sa Tanza, Cavite noong Oktubre 1, 2025.
Kinilala ni PLtCol Joven T. Bahil, Officer-in-Charge ng Tanza MPS, ang suspek na si alyas “John,” residente ng Tanza, Cavite, na nahaharap sa kasong Rape (RPC Art. 266-A) na walang inirekomendang piyansa.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni PCol Ariel R. Red, Acting Provincial Director ng Cavite PPO, “Ang matagumpay na operasyon laban sa mga Most Wanted Person ay malinaw na patunay ng pinaigting na kampanya ng ating kapulisan laban sa kriminalidad upang matiyak ang hustisya para sa mga biktima at ang katahimikan ng mamamayan.”
Ang pagkakadakip sa suspek ay patunay na hindi makakatakas sa batas ang sinumang kriminal, at magsisilbing babala sa iba na hindi kailanman magtatagumpay ang kasamaan laban sa katarungan.



