Regional Director PRO MIMAROPA pinangunahan ang pagbubukas ng Statistics to Storytelling Training

0
707

Personal na pinangunahan ni PBGen Christopher R Dela Cruz, Regional Director ng Police Regional Office MIMAROPA (PRO MIMAROPA), ang inilunsad na 2-day “Statistics to Storytelling: Training on Data Analysis & Visualization” para sa kapulisan ng PRO MIMAROPA nito lamang, November 11-12, 2026, na ginanap sa PRO MIMAROPA Hinirang Hall, Camp Efigenio C. Navarro, Calapan City, Oriental Mindoro.

Layunin ng naturang pagsasanay na pagyamanin ang kakayahan ng bawat pulis sa rehiyon kaugnay ng pag-oorganisa, pag-aanalisa, at pag-unawa sa krimen, maging sa mga operational at administrative statistical data. Layon din nitong payabungin ang kapabilidad ng mga kalahok upang epektibong maisakatuparan ang kanilang mga tungkulin partikular na sa pagbibigay ng mga rekomendasyon at mga inisyatiba na nakakatulong sa pagpapatupad ng mga operasyon ng himpilan.

Binigyang-diin pa ni PBGen Dela Cruz na ang paghahatid ng epektibong serbisyong pampulisya ay nangangailangan ng higit pa sa pagkokolekta ng mga impormasyon, kailangan din nito ng sapat na kakayahan na intindihin ang mga datos at isabuhay ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapatupad ng konkretong mga estratehikong hakbang para sa paghahatid ng produktibong serbisyo publiko.

“Data should never remain as mere numbers on a report. It must tell us what is happening, where our interventions are most needed, and how we can improve our strategies and operations. As public servants, we must learn to transform information into meaningful action, because every decision we make based on reliable data brings us closer to a more responsive, accountable, and effective police organization (Ang mga datos ay hindi dapat manatiling mga numero lamang sa isang ulat. Dapat nitong ipaalam sa atin kung ano ang nangyayari, saan higit na kinakailangan ang ating mga interbensyon, at kung paano natin mapapabuti ang ating mga estratehiya at operasyon. Bilang mga lingkod-bayan, kailangan nating matutunang gawing makabuluhang aksyon ang impormasyon, dahil ang bawat desisyong ating ginagawa batay sa maaasahang datos ay naglalapit sa atin sa isang organisasyon ng pulisya na mas tumutugon sa pangangailangan, may pananagutan, at epektibo) saad pa ni PBGen Dela Cruz.

Bahagi sa naturang pagsasanay ang mga piling tauhan mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) MIMAROPA, sa pangunguna ni Mr. Raymond A. Lapus, Senior Statistical Specialist, at Ms. Joyce P. Ricaña, Assistant Statistician, na nagbahagi ng kanilang kaalaman kaugnay sa statistical analysis at data visualization.

Kabilang sa mga paksang tinalakay ang crime and population data, data analysis, visualization techniques, at data storytelling sa pamamagitan ng Canva. Bukod pa rito, tinalakay ang epektibong aplikasyon ng Artificial Intelligence (AI), partikular sa data visualization at paggamit nito para sa pagkakaroon ng mga statistical findings na magagamit sa police planning at mga operasyon.

Source:https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=pfbid0MRAJ8Aw9fQKpT9A6wwB79dm4tFweUySgH1PksLaGpy4TLCmmrUSpKNSQxyihzE74l&id=100069127389680&mibextid=wwXIfr

Leave a Reply