RD Peñones Jr. patuloy na binabantayan ang sitwasyon ng Trillion Peso Rally at CDM posture

0
651

Patuloy na mino-monitor ni Police Brigadier General Ponce Rogelio I. Peñones Jr., Regional Director ng PRO3, ang sitwasyon ng Trillion Peso Rally at ang kalagayan ng Civil Disturbance Management (CDM) Contingents sa Camp Captain Julian Olivas, City of San Fernando, Pampanga, nito lamang Linggo, ika-30 ng Nobyembre 2025.

Sa gitna ng malaking pagtitipon, tinitiyak ni RD Peñones Jr. ang maayos na koordinasyon ng lahat ng yunit ng PRO3, kabilang ang mga contingents na naka-deploy sa NCR. Pinaiigting niya ang tuloy-tuloy na real-time monitoring, mabilis na pagresponde sa anumang insidente, at mahigpit na pagsunod sa operational guidelines upang mapanatili ang seguridad ng publiko at ng mga raliyista.

Binigyang-diin ng RD na nakatuon ang kanilang pagbabantay sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, alinsunod sa PNP Focused Agenda at sa 3Ps—People, Procedures, at Performance, na itinuturing niyang susi sa ligtas at maayos na pagdaraos ng aktibidad.

Patuloy namang naka-alerto ang Regional Command Center 3 sa pagmamanman sa lahat ng deployment areas upang matiyak na may sapat na kagamitan, impormasyon, at koordinasyon ang mga tauhan para sa epektibong pagtugon sa anumang pangyayari.

Nagpapatuloy ang PRO3 sa pagpapatupad ng masusing seguridad at istratehiya upang masiguro ang maayos na daloy ng Trillion Peso Rally at ang kaligtasan ng lahat ng kalahok.

Panulat ni Pat Mildred A Tawagon