Arestado ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), sa ilalim ng pamumuno ni PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief, PNP, sa pamamagitan ng Police Regional Office MIMAROPA ang No.3 Most Wanted Person (provincial level) sa isinagawang operasyon sa Roxas, Palawan kamakailan lamang.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest dahil sa kasong 11 counts ng Qualified Rape of a Minor nang walang piyansang inirekomenda, at two counts ng paglabag sa Republic Act No. 7610 na may inirekomendang piyansa na Php 160,000.00. Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng Narra MPS ang naarestong suspek para sa tamang disposisyon.
“This operation reflects the determination of the PNP to locate and arrest individuals facing serious criminal charges, especially those involving children. We will continue to strengthen our law enforcement actions to ensure that offenders are brought before the courts and held accountable,” pahayag pa ni PGen Nartatez.
“Hindi tayo titigil hangga’t napapanagot ang mga taong umaabuso sa mga bata. Malinaw ang mensahe natin—may mananagot sa batas at hindi natin pababayaan ang mga biktima,” dagdag pa niya.
Alinsunod sa hangarin ng himpilan na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” mananatili ang agresibong mga kampanya ng buong Pambansang Pulisya kontra sa lahat ng mga wanted person upang pangalagaan ang publiko, partikular na ang ating mga kababaihan at kabataan, na nakabatay din sa direktiba ni President Ferdinand R. Marcos Jr.
“Patuloy kaming makikipagtulungan sa komunidad para matiyak na ligtas ang bawat mamamayan, lalo na ang mga kabataan na dapat pinoprotektahan at hindi sinasaktan,” pagtiyak pa ng PNP Chief.



