Rank 6 Regional Most Wanted sa kasong qualified rape, arestado sa Manjuyod, Negros Oriental

0
821

Arestado ang Rank 6 Regional Most Wanted Person ng Region 6 sa isinagawang masusing manhunt operation ng kapulisan sa Sitio Punta, Barangay Campuyo, Manjuyod, Negros Oriental nito lamang ika-1 ng Hulyo 2026.

Sa pamamagitan ng mahusay na koordinasyon ng 4th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion (RMFB), katuwang ang Bayawan City Police Station, Manjuyod Municipal Police Station, at Regional Intelligence Unit (RIU-NIR), matagumpay na naisakatuparan ang operasyon sa bisa ng Warrant of Arrest laban sa akusadong nahaharap sa kasong Qualified Rape of a Minor.

Ayon kay PBGen Romano V Cardiño, Regional Director ng PRO-NIR, nananatiling prayoridad ng PNP ang pagpapaigting ng intelligence-driven manhunt operations upang matunton at maaresto ang mga indibidwal na nahaharap sa mga kasong kriminal.

Aniya, mahalagang bahagi ang mga operasyong ito sa pagpapanatili ng tiwala ng publiko at sa pagbibigay ng katarungan sa mga biktima.

Patuloy namang pinalalakas ng PRO-NIR ang kampanya laban sa mga wanted person sa pamamagitan ng masusing intelligence gathering, malawak na koordinasyon sa iba’t ibang law enforcement units, at aktibong pakikipagtulungan sa publiko.

Hinihikayat din ng himpilan ang mga mamamayan na maging katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan sa pamamagitan ng maagap na pag-uulat ng anumang kriminal na aktibidad sa SAFE NIR DIAL 911 Program.

Ang matagumpay na operasyong ito ay isang malinaw na patunay ng layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: “Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.” Sa bawat wanted person na naihaharap sa hustisya, lalo pang napalalakas ang seguridad ng komunidad at ang tiwala ng mamamayan sa isang kapulisan na tunay na naglilingkod at nagpoprotekta.

Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos

Leave a Reply