Biliran – Boluntaryong sumuko sa Biliran Municipal Police Station ang isang Rank 5 Regional Level na High Value Individual sa Biliran, Biliran nitong Oktubre 18, 2023.
Kinilala ni Police Captain Hilario Rambano III, Acting Chief of Police ng Biliran MPS, ang sumuko na si alyas “Teddy”, 47, at residente ng Biliran, Biliran.
Boluntaryong isinuko ang kanyang sarili matapos ang matagumpay na pagsasagawa ng Oplan “Tokhang” ng ating mga kapulisan.
Sa kanyang pagsuko ay ipinahayag niyang hindi na siya gagawa ng anumang uri ng aktibidad patungkol sa ilegal na droga. Sa halip, makikipagtulungan at tutulong siya sa mga pulis sa kampanya kontra ilegal na droga.
Sinisiguro naman ng Biliran PNP ang patuloy na pagpapaigting ng kampanya laban sa ilegal na droga at masawata ang mga lumalabag sa batas sa kanilang nasasakupan.