Rank 4 Most Wanted Person sa kasong statutory rape; arestado ng PRO6 sa Pototan, Iloilo

0
22
Screenshot

Isang araw matapos mailabas ang warrant of arrest, naaresto ng mga operatiba ng Pototan Municipal Police Station (MPS) ang Rank 4 Municipal Level Most Wanted Person, sa isinagawang manhunt operation dakong alas 2:00 ng hapon, noong Setyembre 16, 2026, sa Pototan, Iloilo.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Eddie,” 56 taong gulang, may asawa, at residente ng Pototan, Iloilo.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Setyembre 15, 2026, ng Family Court, Branch 6, Dumangas, Iloilo, para sa dalawang bilang ng statutory rape. Kasalukuyan itong nasa kustodiya ng Pototan MPS para sa kaukulang disposisyon at pagharap sa proseso ng korte.

“Ang agarang pagpapatupad ng warrant of arrest ay nagpapakita ng ating determinasyong tiyaking walang akusadong makakaiwas sa proseso ng batas. Patuloy nating paiigtingin ang ating manhunt operations upang maiharap sa korte ang mga wanted person at maisulong ang paghahatid ng hustisya sa mga biktima,” ani PBGen Randulf T Tuaño, Regional Director ng Police Regional Office 6.

Binigyang-diin pa ng PRO6 na ang mabilis na pagkakaaresto sa akusado ay bunga ng tuloy-tuloy na information gathering, monitoring, at koordinasyon ng mga tracker team sa pagpapatupad ng mga warrant of arrest bilang pagtalima sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/1HEywtepDM/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply