Rank 2 Most Wanted Person sa kasong simple arson, arestado ng PRO6  sa Banga, Aklan

0
193
Screenshot

Naaresto ng mga operatiba ng Police Regional Office 6 sa pamamagitan ng Banga Municipal Police Station (MPS) ang Top 2 Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operation sa Brgy. Venturanza, Banga, Aklan, dakong alas 10:40 ng umaga noong Setyembre 3, 2026.

Kinilala ang akusado sa alyas na “Asiong,” 44 anyos, may asawa, laborer, at residente ng nasabing brgy.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Simple Arson sa ilalim ng Section 3(2) ng Presidential Decree No. 1613. Ang warrant ay inilabas noong Hunyo 4, 2026 ng Regional Trial Court, Sixth Judicial Region, Branch 2, Kalibo, Aklan, na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng Banga MPS ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

“Walang puwang para sa mga taong nagtatangkang umiwas sa pananagutan sa batas. Patuloy nating paiigtingin ang manhunt operations at titiyaking maipatutupad ang mga warrant of arrest nang mabilis, maayos, at naaayon sa batas,” pahayag ni Police Brigadier General Randulf T Tuaño, Regional Director ng PRO6.

Patuloy na pinaiigting ng PRO6 ang kampanya laban sa mga wanted person bilang bahagi ng adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman,” sa ilalim ng pamumuno ni Police General Jose Melencio C Nartatez Jr., Chief, PNP.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1JpacHLWFw/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply