Rank 2 Most Wanted Person sa kasong paglabag sa RA 6425, arestado sa manhunt operation sa Camarines Sur

0
154

Muling nagpakita ng kahusayan at determinasyon ang mga Kaogma Cops matapos matagumpay na maaresto ang Rank No. 2 Municipal Most Wanted Person (MMWP) ng Bombon Municipal Police Station sa isinagawang manhunt operation sa Zone 5, Brgy. San Lucas, Calabanga, Camarines Sur noong Hunyo 18, 2026.

Kinilala sa alyas na “Arce,” 49 taong gulang, may asawa, at residente ng Bombon, Camarines Sur, ang naarestong suspek.

Inaresto ng mga operatiba ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa paglabag sa Section 8 ng Republic Act No. 6425 o Dangerous Drugs Act of 1972, na may Criminal Case No. 94-5565.

Ang naturang warrant ay inilabas noong Hunyo 8, 2026 ni Hon. Valentin Espaldon Pura Jr., Presiding Judge ng RTC Branch 23, Naga City, Camarines Sur, na may inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng Php120,000.00.

Pinuri ni Police Colonel Virgilio O. Olalia, Jr., Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office, ang operating personnel sa kanilang matagumpay na operasyon.

Binigyang-diin din ni PCol Olalia na ang tuloy-tuloy na pagtugis at pag-aresto sa mga wanted person ay nagpapakita ng matatag na paninindigan ng kapulisan na pairalin ang hustisya, palakasin ang pagpapatupad ng batas, at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong lalawigan, alinsunod sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos

Source: https://www.facebook.com/share/p/17pKe425FX/

Leave a Reply