Arestado ng mga operatiba ng Southern District Mobile Force Battalion at Southern District Special Operations Unit ang tinaguriang Rank 10 Most Wanted Person Station Level sa isinagawang manhunt operation sa Antipolo, Rizal noong Nobyembre 5, 2026.
Kinilala ni PBGen Rodel A Pastir, District Director ng SPD, ang suspek na si alyas “Zy,” 23 anyos, na dinakip sa bisa ng warrant of arrest sa kasong theft sa ilalim ng criminal case number B-2023-1621 na walang inirekomendang piyansa.
“One by one, we are tracking down and arresting individuals on our Top Most Wanted list. These accomplishments reflect our intensified efforts to ensure that wanted persons are held accountable and brought before the courts to face the charges against them. We will continue to pursue those who remain at large” (“Isa-isa nating tinutugis at inaaresto ang mga indibidwal na kabilang sa ating listahan ng mga Most Wanted. Ipinapakita ng mga tagumpay na ito ang pinaigting nating pagsisikap upang matiyak na ang mga wanted na indibidwal ay mananagot sa kanilang mga nagawang paglabag sa batas at maiharap sa hukuman upang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanila. Patuloy nating tutugisin ang mga nananatiling nagtatago at hindi pa nahuhuli), saad ni PBGen Pastor.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1DPMRvk4E6/

