Rank 10 MWP ng Bicol Region sa kasong paglabag sa R. A. 10883, arestado ng mga awtoridad sa Quezon City

0
38

Nadakip ng mga awtoridad ang itinalaganfg Rank 10 Regional Most Wanted Person (MWP) ng Bicol Region sa isinagawang manhunt operation sa Quezon City, National Capital Region, noong Agosto 11, 2026.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay ng kasong paglabag sa Republic Act No. 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016, na walang inirekomendang piyansa.

Bunga ang operasyon ng patuloy na intelligence gathering, information sharing at manhunt efforts ng PRO5, katuwang ang mga concerned police units, upang matukoy ang kinaroroonan ng akusado at maipatupad ang warrant of arrest laban sa kanya.

Matapos ang pagkakadakip, agad ipinaalam sa akusado ang dahilan ng kanyang pag-aresto at ipinaunawa sa kanya ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa dayalekto na kanyang nauunawaan, alinsunod sa umiiral na batas.

Dinala siya sa Police Station 15 ng Quezon City Police District para sa dokumentasyon at iba pang kinakailangang proseso bago dalhin sa Magarao Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Sa pamumuno ni PBGen Erosito N Miranda, Regional Director ng PRO5, patuloy na pinaiigting ng kapulisan ang intelligence-driven manhunt operations, information sharing at inter-unit coordination upang matiyak ang agarang pagpapatupad ng mga warrant of arrest laban sa mga wanted persons.

Patunay ang pagkakadakip sa patuloy na pagsisikap ng PRO5 na papanagutin ang mga indibidwal na may kinakaharap na kaso, saan man sila matagpuan, habang tinitiyak na ang bawat pag-aresto ay isinasagawa nang naaayon sa batas at may paggalang sa mga karapatan ng bawat akusado na nakabatay sa hangarin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos

Source: https://www.facebook.com/share/p/1JvbGLB6FM/

Leave a Reply