R-PSB Team ng RMFB15, nakiisa sa pagpapatayo ng gusali ng Baang Women’s Organization sa Hungduan, Ifugao

0
76

Nakiisa ang Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) Team ng 1501st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 15 (1501st MC, RMFB15), sa pangunguna ni Police Captain Drexler A. Wap, kasama ang 1st Ifugao Provincial Mobile Force Company, mga opisyal ng barangay, miyembro ng Baang Women’s Organization and Rural Improvement Club (BWORIC), at volunteers sa pagsasagawa ng concrete pouring activity para sa slab ng itinatayong gusali ng organisasyon noong Oktubre 12, 2026, sa Sitio Tinangaan, Brgy. Baang, Hungduan, Ifugao.

Layunin ng aktibidad na makatulong sa pagpapatuloy ng konstruksyon ng gusali na magsisilbing lugar para sa mga pagpupulong, gawain, at programang pangkomunidad ng BWORIC. Inaasahang makatutulong ito sa pagpapalawak ng mga oportunidad para sa aktibong pakikilahok ng kababaihan sa mga inisyatiba para sa kaunlaran ng kanilang pamayanan.

Bukod sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, patuloy ding nakikiisa ang PNP sa mga makabuluhang gawaing nagtataguyod ng lokal na kaunlaran at nagpapalakas sa ugnayan nito sa mamamayan.

Sa pamamagitan ng mga inisyatibang tulad nito, patuloy na pinatitibay ng 1501st Manuever Company, RMFB15, at mga katuwang na sektor ang pagtutulungan at pananagutang panlipunan tungo sa mas ligtas, matatag, at maunlad na pamayanan sa Ifugao.

Source: PNP 1501st MC, RMFB 15 (https://www.facebook.com/share/p/1CAtRs5q3T/)

Leave a Reply