Tuesday, March 4, 2025

Purple Motorcade sa Ilocos Norte, bida sa pagdiriwang ng Women’s Month

Pinangunahan ng mga babaeng pulis mula sa Ilocos Norte Police Provincial Office ang isang makulay na purple motorcade na umikot sa pangunahing lansangan ng Ilocos Norte bilang pagsisimula ng National Women’s Month nitong Lunes, Marso 3, 2025.

Nagsimula ang parada sa Camp Capt. Valentin S. Juan sa Hernando Street, dumaan sa P. Gomez Street, Sirib Mile, at nagpatuloy sa university belt kung saan nagtipon-tipon ang mga mag-aaral upang saksihan ang makasaysayang selebrasyon.

Ang kulay purple ay opisyal na simbolo ng International Women’s Day, na nagsimula mahigit isang siglo na ang nakalipas matapos ang isang kilos-protesta ng 15,000 kababaihan sa New York City upang ipaglaban ang mas magandang kondisyon sa trabaho at karapatang bumoto.

Sa Pilipinas, ang National Women’s Month ay isang selebrasyon ng mga tagumpay sa larangan ng ekonomiya, pulitika, at lipunan, kasabay ng panawagan para sa gender equality.

Sa patuloy na pagsuporta sa kapakanan ng kababaihan, ipinagpapatuloy ng Ilocos Norte government ang iba’t ibang programa tulad ng livelihood assistance, skills training, at mga serbisyong pangkalusugan.

Isa sa mga pangunahing inisyatibo para sa women empowerment ay ang pagtatatag ng Pink Hotlines, na tumutugon sa mga ulat ng karahasan laban sa kababaihan at mga bata, sa pakikipagtulungan ng Provincial Social Welfare and Development Office, Gender and Development Office, at Women’s and Children’s Desk ng PNP.

Nagdaos din ng iba’t ibang seminar ang mga lokal na pamahalaan hinggil sa teenage pregnancy, sexual harassment, rape, at iba pang isyung pangkasarian upang patuloy na itaas ang kamalayan ng komunidad.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,450SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles