Buong tapang na sumaklolo si Patrolman Renzo Genido Advincula sa naganap na sunog nito lamang September 6, 2025 sa Blk 30 Lot 1, P-4 Martizano Street, Central Bicutan, Taguig City.
Ang naturang pulis ay naka-assign sa ParaƱaque City Police Station at nagdiriwang lamang ng kanyang kaarawan sa araw na iyon nang naganap ang nasabing sunog.
Hindi nag-atubili at agad nang umakyat si Pat Advincula at tumulong sa mga nagresponde upang mabilis na maapula ang apoy na noon ay nagsimula ng kumalat sa nasunog na bahay bandang alas 8:54 ng umaga.
Bunsod ng tulong-tulong at maagap na pagresponde ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ng Taguig City katuwang si Pat Advincula, mabilis na naapula ang apoy at idineklarang fire out dakong alas 9:20 ng umaga. Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente.
Pinuri naman ni Police Brigadier General Randy Y. Arceo, Acting District Director ng Southern Police District ang katapangan ni Pat Advincula sa kabila ng tiyak na panganib.
āPatrolman Advinculaās actions exemplify the true spirit of the Philippine National Policeāselfless, courageous, and unwavering in the face of danger. Even on his birthday, he chose service over self, proving that a true police officer is never off duty. His heroism is a shining inspiration not only to his fellow officers but also to the community we have sworn to protect,ā saad pa ni PBGen Arceo.
Photo Courtesy by SPD



