Pinag-aaralan ang pagsasampa ng kaukulang kaso ng pamunuan ng Manila Police District laban sa isang raliyista na nag-spray ng pintura sa mukha ng isang pulis na nakasibilyan sa kasagsagan ng rally kaugnay ng 128th Independence Day sa Kalaw Avenue, Maynila.
Ayon kay Police Brigadier General Arnold Santiago, District Director ng MPD, patuloy ang kanilang imbestigasyon, at inihahanda na ang pagsampa ng kasong physical injuries o direct assault, depende sa magiging resulta ng medico-legal examination.
Nabatid na kilala na ang naturang raliyista na nakuhanan ng video na nakitang nag-spray ng pintura at nang sinita ng nakasibilyang pulis dahil sa paninira o pag-vandalize sa center island ay tinangkang umiwas sa pag-aresto sa pamamagitan ng pagtakbo at paghuhubad ng kanyang damit upang hindi madaling makilala.
Sa kabila ng insidente, sinabi ni PBGen Santiago, na sa kabuuan ay naging mapayapa pa rin ang isinagawang protesta.
Source httpswww.philstar.comnation202606142535004mpd-mulls-raps-vs-protester-over-spray-incident
www.philstar.com



