Naghatid ng bagong pag-asa ang inihandog ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company na Libreng Pabahay sa isang pamilya sa Barangay Pinili, Abulug, Cagayan nito lamang Mayo 14, 2024.
Pinangunahan ni PLtCol Darwin John B. Urani, Force Commander ng 2nd CPMFC, kasama ang mga miyembro ng Advisory Council na pinamumunuan ni Ginoong Gilbert C. Chan, VP for Internal Affairs ang nasabing programa.
Dumalo rin sa kaganapan sina PMaj Florentino P Marallag, Deputy Force Commander at mga Sponsor, mga Opisyal ng Barangay na pinangunahan ni Punong Barangay Domingo Riambon Jr., at mga miyembro ng komunidad na nakasaksi sa simbolikong pag-abot ng susi ng bahay sa napiling pamilya.
Ang pamilya ni Mr Edgar Baltazar ang napiling benepisyaryo kung saan binubuo ng kanyang tatlong anak at asawa na isang taon nang may kapansanan o isang PWD. Ang pamilya Baltazar ang napiling benepisyaryo dahil sa kanilang napakahirap na kalagayan ng pamumuhay. Laking pasasalamat naman nang matanggap ng pamilya ang bagong bahay.
Ang proyektong ito ay nagpapakita na ang 2nd Cagayan PMFC at Advisory Group ay handang maglingkod at sumuporta sa komunidad. Sinisiguro na lahat ng miyembro ng lipunan ay ligtas at may marangal na pamumuhay.
Source: 2nd Cagayan PMFC