Negros Oriental – Nagsagawa ang mga kapulisan ng Regional Mobile Force Battalion 7 ng proyektong Kaisang-Bisig ng Pambansang Pulisya sa Brgy. Nagbagang, Sta. Catalina, Negros Oriental nito lamang Miyerkules, Marso 23, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Ronan Claravall, Force Commander sa pangangasiwa ni Police Brigadier General Roque Eduardo Vega, Regional Director 7.
Ayon kay PLtCol Claravall, nakatanggap ang mga residente ng Sta. Catalina ng mga gamit pangsaka, mga alagang hayop, at mga solar panel board.
Ayon pa kay PLtCol Claravall, ang nasabing programa ay naglalayon na mabigyan ng pangkabuhayan ang mga residente na kanilang magagamit sa panimula ng kanilang hanap-buhay.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente sa biyaya na kanilang natanggap mula sa mga kapulisan.
Samantala, kasabay ng aktibidad ang pagbubukas ng proyektong KAPATID o (Kapwa Paglingkuran ang Barangay Talalak na may Integridad na Drayber Habal-Habal) ng Private Rider’s Association.
###
Serbisyong tunay at may malasakit yan ang mga kapulisan maaashan kaht san