Camaligan, Camarines Sur – Arestado ang provincial target watch list at tatlo pang kasabwat nito sa buy-bust operation ng PNP Bicol at PDEA Camarines Sur nito lamang Martes Mayo 17, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Mario Reyes, Regional Director ng Police Regional Office 5, ang suspek na sina William Gados y Eduarte, 57, Joel Abanes y Serrado, 49, Tricia Ann Abanes y Tianzon, 25 at Ronald Felicitas y Daito, 36, pawang mula sa nabanggit na lugar.
Ayon kay PBGen Reyes, bandang 11:22 ng umaga naaresto ang mga suspek sa Zone 2, Barangay San Roque, Camaligan, Camarines Sur sa pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Masbate Police Provincial Office, Camaligan Municipal Police Station, Camarines Sur Police Provincial Office at Philippine Drug Enforcement Agency Camarines Sur.
Ayon pa kay PBGen Reyes, nakumpiska sa kanila ang humigit-kumulang 12 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php81,600 at iba pang drug paraphernalia.
Sinabi din ni PBGen Reyes, si Eduarte ay kasama sa provincial target list ng Camarines Sur at isinailalim sa surveillance dahil sa malawakang pagkakasangkot nito sa illegal drug trade.
Dagdag pa ni PBGen Reyes, ang operasyon na ito ay bahagi pa rin ng walang humpay na kampanya ng PNP para matugunan ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamot sa rehiyon. Inutusan din niya ang lahat ng unit commander na palakasin pa ang kanilang pagsisikap at partnership sa PDEA para makamit ang drug free community para sa mga Bicolano.
Source: Kasurog Bicol
###
Panulat ni Patrolman Jomar Danao