Arestado ang Most Wanted Person sa Provincial Level sa isinagawang Law Enforcement Operation ng mga kapulisan ng Batangas Police Provincial Office sa Barangay Caloocan, Balayan, Batangas, dakong 11:16 ng umaga nitong ika-19 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Major Domingo D Ballesteros Jr., Hepe ng Balayan Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Rommel”, 50 taong gulang, residente ng Barangay 6 (Pob) Nasugbu, Batangas.
Sa pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Balayan Municipal Police Station, kasama ang 1st MP, 2nd BPMFC, 403rd AMC, RMFB 4A, PIU Batangas at Batangas MARPSTA ay nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na walang piyansa.
Patunay lamang na ang kapulisan, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa mga programa ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan, at seguridad at magkaroon ng maunlad na Bagong Pilipinas.
Source: Batangas PPO-PIO
Panulat ni Pat Maria Sarah P Bernales