PRO3, nagsagawa ng 5-day SAR Seminar bilang paghahanda sa mga  kalamidad at sakuna

0
246

Pinaigting ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang kahandaan at kakayahan ng mga tauhan nito sa pagtugon sa mga kalamidad at emergency sa pamamagitan ng limang-araw na Disaster Preparedness, Search, Rescue (SAR), and Retrieval Operations Seminar na isinagawa mula Agosto 17 hanggang 21, 2026.

Isinagawa ang pagsasanay sa pamamagitan ng Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) sa pamumuno ni PCol Ferdinand D. Germino, Chief, RCADD. Nilalayon nitong bigyan ang mga kalahok ng kinakailangang kaalaman at praktikal na kasanayan sa disaster preparedness, search and rescue, at retrieval operations upang makapagsagawa ng ligtas at episyenteng pagtugon sa oras ng panganib.

Napapanahon ang naturang pagsasanay kasunod ng mga pag-ulan at pagbaha na muling nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mga tauhang may sapat na kaalaman at kahandaan upang agarang tumugon, magsagawa ng rescue operations, at tumulong sa mga komunidad na nangangailangan.

Sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Jess B. Mendez, Regional Director ng PRO3, patuloy na pinauunlad ng Police Regional Office 3 ang kakayahan ng mga tauhan nito, bilang patunay na ang serbisyo-pulisya ay hindi lamang nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad kundi maging sa pangangalaga ng buhay at pagtulong sa mga apektadong mamamayan—kaagapay sa pagsusulong ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PRO 3 (https://www.facebook.com/share/1bfArKqykh/?mibextid=wwXIfr)

Leave a Reply