PRO2, pinagbuklod ang pamilya ng kapulisan sa Family Day 2026

0
62

Matagumpay na isinagawa ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang pagdiriwang ng Family Day 2026 noong Agosto 29, 2026, sa Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City, Cagayan, bilang pagkilala sa mahalagang papel ng pamilya sa pagpapatatag ng kapakanan, samahan, at morale ng mga personnel ng kapulisan.

Pinangunahan ni PBGen Mariano C. Rodriguez, Regional Director ng PRO2, ang nasabing aktibidad na dinaluhan ng mga PNP personnel, non-uniformed personnel (NUP), at kanilang mga pamilya. Nakiisa rin sa programa si Gng. Beverly Rodriguez, asawa ng Regional Director at pinuno ng PNP OLCFI PRO2 Chapter, kasama ang iba pang mga opisyal at katuwang ng PRO2.

Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Banal na Misa sa St. Vincent Ferrer Chapel, na sinundan ng parada sa loob ng kampo at pormal na programa sa PRO2 Grandstand. Tampok din ang “LAB in Action” awarding at assistance, kung saan nagkaloob ang OLCFI PRO2 Chapter ng cash assistance, grocery items, at bigas sa mga PNP personnel at kanilang pamilya.

Nagkaroon din ng iba’t ibang parlor games na nagbigay ng pagkakataon sa mga pamilya na magsama-sama at magsaya. Kabuuang 498 PNP personnel at 517 dependents, kabilang ang 317 batang may edad isa hanggang labindalawang taon, ang nakilahok sa aktibidad. Nagbigay rin ng iba’t ibang frontline services ang mga tanggapan ng PRO2 at mga katuwang na ahensya ng pamahalaan.

Patuloy na isinusulong ng PRO2 ang mga programang nagbibigay-halaga sa morale at welfare ng mga personnel at kanilang mga pamilya, bilang pagkilala na ang isang matatag na pamilya ay mahalagang sandigan sa paghubog ng mas epektibong kapulisan, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP Police Regional Office 2

Leave a Reply