Matagumpay na isinagawa ang Inauguration ng tatlong units ng Project Swift Assistance for Everyone (S.A.F.E.): Tourist Mobile Police Outposts sa Claveria, Cagayan, bilang bahagi ng mga hakbang upang mapalakas ang police visibility, public safety, at seguridad sa mga pangunahing lugar panturismo ng bayan nito lamang Agosto19, 2026.
Pinangunahan ni PBGen Mariano C. Rodriguez, Regional Director ng Police Regional Office 2 (PRO2), ang pakikiisa ng kapulisan sa nasabing aktibidad, kasama ang iba pang mga opisyal ng PNP at mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Claveria.
Matapos ang inauguration, nagsagawa rin ng courtesy visit si PBGen Rodriguez at iba pang mga opisyal ng PNP kay Hon. Lucille Angelus Guillen, Municipal Mayor ng Claveria. Naging pagkakataon ito upang higit pang mapalakas ang ugnayan at koordinasyon ng PNP at lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng ligtas, maayos, at tourist-friendly na komunidad.
Sa pamamagitan ng Project S.A.F.E., mas inilalapit ang serbisyo ng kapulisan sa mga residente at bisita, lalo na sa mga lugar na dinarayo ng mga turista.
Patuloy ang PRO2 sa pagpapatupad ng mga programa at pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang stakeholders upang mapalakas ang police-community partnership at matiyak ang ligtas, maayos, at mapayapang kapaligiran para sa mga mamamayan at turista sa Cagayan Valley.
Source: Police Regional Office 2



