Ginawaran ang Police Regional Office (PRO) 2 ng ISO 9001:2015 certificate na ginanap sa PNP National Headquarters, Camp Crame, Quezon City kasabay ng Traditional Monday Flag Raising at Awarding Ceremony nito lamang Enero 8, 2024.
Tinanggap ni Police Brigadier General Christopher C Birung, PRO2 Regional Director, ang ISO 9001:2015 certificate na ipinagkaloob naman ni Police General Benjamin C Acorda Jr., Chief Philippine National Police.
Nakamit ng PRO2 ang ISO nito matapos mapagtagumpayan ang mahigit isang taon ng kahusayan at propesyonalismo sa Quality Management System, mga istraktura, mekanismo at mga pamantayan kabilang ang Digital Transformation Program ng pamahalaan.

Dagdag nito, maituturing na ang Valley Cops ay mahusay sa pagpapatupad at pagtugon sa 5-Focused Agenda ng PNP Chief na Aggressive and Honest Law Enforcement Operations; Personnel Morale and Welfare; Integrity Enhancement; Information and Community Development, at Community Engagement.
Ayon kay PBGen Birung, ang ISO Certificate ay isang patunay na ang PRO2 ay umaayon sa lahat ng mga kinakailangan sa standardization sa local at maging sa international benchmarks ng organization.

Maliban dito, ito ay bunga ng tunay na katapatan ng buong kapulisan ng PRO2 sa pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan sa Lambak ng Cagayan.
“Sa tagumpay na ito, nananatiling matatag ang PRO2 sa layunin nitong magtaguyod ng kultura ng kalidad at patuloy na pagpapabuti sa rehiyon upang makamit muli ang re-certification sa 2026”, dagdag na pahayag ni PBGen Birung.
Samantala, kasama din na ginawaran ng ISO Certificates ang Cagayan Police Provincial Office at Tuguegarao Component City Police Station na personal ding tinanggap nina Police Colonel Julio S Gorospe Jr. Provincial Director at Police Lieutenant Colonel Richard R Gatan, Chief of Police.
Source: PRO 2
Panulat ni Patrolwoman Leinee C Lorenzo