PRO2 Acting Regional Director, nagsagawa ng courtesy visit sa 5th Infantry Division, PA

0
793

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga puwersang panseguridad, nagsagawa ng courtesy visit si PBGen Mariano C. Rodriguez, Acting Regional Director ng Police Regional Office 2 (PRO2), sa Headquarters ng 5th Infantry (Star) Division sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela noong Hunyo 1, 2026.

Mainit siyang tinanggap ni MGen Gulliver L. Señires, PA, Commander ng 5th Infantry (Star) Division, at kanyang mga kasama sa pagbisita na sina PCol Manuel B. Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), at PMAJ Louie Jay T. Felipe, Chief of Police ng Gamu Police Station.

Sa kanilang pagpupulong, tinalakay ng mga opisyal ang patuloy na koordinasyon at pakikipagtulungan ng Philippine National Police at Philippine Army sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa Rehiyon Dos. Napag-usapan din ang mga umiiral na inter-agency initiatives, operational alignment, at iba pang estratehiya upang higit pang mapalakas ang mga programang pangkaligtasan para sa mamamayan.

Layunin ng naturang pagbisita na higit pang patatagin ang ugnayan at koordinasyon ng PNP at AFP sa pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa rehiyon.

Ipinakikita rin nito ang patuloy na pagkakaisa ng mga ahensiyang nagpapatupad ng batas sa pagpapaigting ng mga hakbang na naglalayong maprotektahan ang mamamayan at mapanatiling ligtas ang buong Lambak ng Cagayan.

Source: Police Regional Office 2

Panulat ni Pat Leinee Lorenzo

Leave a Reply