PRO13, pinangunahan ang 3rd Quarter RJPSCC Meeting; pagpapanatili ng matatag na kapayapaan, tampok sa pagpupulong

0
80

Pinangunahan ni PBGen Rolindo M. Suguilon, Regional Director ng Police Regional Office 13 (PRO13), ang 3rd Quarter Calendar Year 2026 Regional Joint Peace and Security Coordinating Center (RJPSCC) Meeting na ginanap sa PRO13 Multi-Purpose Center, Camp Col. Rafael C. Rodriguez, Libertad, Butuan City, Agusan del Norte.

Dumalo sa pagpupulong sina BGen Benjamin L. Leander, Commander ng 401st Brigade, at BGen Edmund Paul R. Delos Santos, Commander ng 402nd Brigade ng Philippine Army; Capt. Patrick G. Babag, Deputy Commander ng Coast Guard District North-Eastern Mindanao; gayundin ang mga miyembro ng PRO13 Command Group, Regional Staff, at iba pang mga unit commander.

Lumahok din sa pamamagitan ng virtual conference ang mga Provincial Director ng Police Provincial Offices, ang City Director ng Butuan City Police Office, at ang Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion 13.

Kabilang sa mga pangunahing tinalakay sa pagpupulong ang kasalukuyang sitwasyon ng mga banta sa seguridad sa rehiyon, mga nagawa ng Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB), mga resulta ng mga operasyong isinagawa sa ilalim ng Campaign Plan Malungtarung Panaghi-Usa, at ang pagpapanatili ng matatag na panloob na kapayapaan at seguridad sa buong Caraga Region.

Layunin ng pagpupulong na palakasin ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga ahensiya ng seguridad upang matugunan ang mga banta sa kapayapaan at mapanatili ang kaayusan at seguridad sa rehiyon.

Patuloy namang isinusulong ng PRO13 at ng mga katuwang nitong ahensiya ang magkakaugnay na mga hakbang at operasyon para sa isang ligtas, mapayapa, at maayos na Caraga Region.

https://www.facebook.com/share/p/1FNgbhNmhs/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply