Oriental Mindoro – Matagumpay na ipinagdiwang ng Police Regional Office MIMAROPA sa pamumuno ni Police Brigadier General Joel Doria, Regional Director, ang ika-122nd Police Service Anniversary kasama ang Hepe ng Pambansang Pulisya na si Police General Benjamin C Acorda, Jr bilang panauhing pandangal at tagapagsalita, na ginanap sa Parade Ground, Camp Efigenio C. Navarro, noong araw ng Agosto 24, 2023.
Binigyang-diin sa pagdiriwang na may temang “Nagkakaisang Pulisya at Pamayanan Tungo sa Mapayapa at Maunlad na Bansa,” ang pagtatanghal ng mga parangal sa mga deserving PNP personnel, Units at PRO MIMAROPA stakeholders para sa kanilang huwaran at namumukod-tanging mga nagawa noong 2022.
Sa seremonya, pinarangalan ang mga ibang deserving personnel ng PRO MIMAROPA bilang Best Senior Police Commissioned Officer (PCO), Best Junior Senior Police Commissioned Officer (PCO) Best Senior Police Non Commissioned Officer, Best Junior Police Non Commissioned Officer at NUP (Non-Supervisory Level).
Binigyan din ng unit awards sa seremonya ang Occidental Mindoro PPO para sa Best Police Provincial Office, Sablayan MPS ng Occidental Mindoro PPO para sa Best Municipal Police Station, Calapan CPS para sa Best City Police Station, Regional Mobile Force Battalion 4B para sa Best Regional Mobile Force Battalion, 2nd Provincial Mobile Force Company ng Oriental Mindoro PPO para sa Best Provincial Mobile Force Company, Regional Training Center para sa Best Regional Administrative Support Unit, at Regional Forensic Unit (RFU) para sa Best Regional Operational Support Unit, at Ilang unit din ang nakatanggap ng Special Unit Awards para sa kanilang mga natatanging tagumpay sa iba’t ibang kampanya, Laban sa Iligal na Droga at Kampanya Laban sa Illegal na Pagsusugal.
Dagdag pa rito, ang Department of Public Works and Highways, Mindoro Oriental District Engineering Office, ay nakatanggap ng Special Recognition Award para sa kanilang patuloy na suporta sa mga proyektong pang-imprastraktura.
Sinabi ni Hon. Humerlito A. Dolor, Provincial Governor ng Oriental Mindoro at Chairperson ng Regional Advisory Group for Police Transformation and Development (RAGPTD), ay kinilala sa kanyang patuloy na suporta at kontribusyon bilang strategic partner ng PRO MIMAROPA sa pagkamit ng PNP PATROL PLAN 2030.
Sa mensahe ni PGen Acorda Jr, ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga awardees sa kanilang outstanding performance at kontribusyon sa PNP. Pinuri niya ang kanilang mga pagsisikap sa pagtataguyod ng misyon at kinilala ang kanilang mga nakasisiglang tagumpay.
“Binabati ko ang lahat ng aming mga awardees para sa kanilang mga pambihirang kontribusyon at natatanging pagganap. Your dedication and accomplishments truly set you apart,” ani PGen Acorda Jr.
Hinikayat pa ng PNP Top Cop ang lahat ng kalalakihan at kababaihan ng PRO MIMAROPA na muling pagtibayin ang kanilang pangako sa serbisyo at magtrabaho nang may matibay na determinasyon.
“Sa pagdiriwang natin ng 122nd Police Service Anniversary dito sa MIMAROPA, muli nating pagtibayin ang ating pangako sa paglilingkod at parangalan ang alaala ng mga taong gumawa ng pinakamalaking sakripisyo ,” ani pa ni PGen Acorda Jr.
Nais kong ipaabot ang aking pasasalamat sa lahat ng kalalakihan at kababaihan ng Police Regional Office MIMAROPA, sa pangunguna ng inyong Regional Director, PBGen Joel B Doria. Sama-sama tayong gumawa ng napakalaking kontribusyon sa ating paghahangad ng isang mas ligtas at payapang komunidad. Ipagpatuloy natin na paglingkuran ang mga mamamayan ng MIMAROPA nang may mapagpakumbabang puso at matinding sigasig, at laging panatilihing ligtas at maayos ang isa’t isa,” dagdag pa ni PGen Acorda Jr.
Ang 122nd Police Service Anniversary ay ginugunita ang pagkakatatag ng dating Philippine Constabulary, ang unang insular Police Force ng bansa, noong Agosto 8, 1901.
Source: Police Regional Office Mimaropa
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus