PRO CAR, narekober ang ilegal na troso sa Mountain Province

0
241

Tagumpay ang mga tauhan ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) sa kanilang pinaigting na kampanya laban sa illegal logging matapos marekober ang mga abandonadong ilegal na troso sa iba’t ibang bahagi ng Mountain Province mula Mayo 11 hanggang 17, 2026.

Batay sa ulat na isinumite sa PRO CAR, umabot sa kabuuang 432 board feet ng Benguet pine lumber na may tinatayang halagang PhP17,280.00 ang nakumpiska sa mga bayan ng Bauko, Barlig, at Bontoc. Natagpuan ang mga troso sa serye ng operasyon at inspeksyon na isinagawa ng mga awtoridad sa nasabing lalawigan.

Pinangunahan ang matagumpay na operasyon ng Mountain Province Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni Provincial Director PCol Marcelo B. Polig, katuwang ang Community Environment and Natural Resources Office (CENRO). Agad namang isinuko sa CENRO-Mountain Province ang lahat ng nakuhang troso para sa wastong disposisyon at legal na proseso.

Patuloy na pinaiigting ng PRO CAR, sa pamumuno ni PBGen Ericson D. Dilag, ang kampanya laban sa mga ilegal na gawain na sumisira sa kalikasan, at hinikayat din ang publiko na makiisa sa pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas pangkalikasan at agarang pag-uulat ng mga kahina-hinalang aktibidad.

Muling pinatunayan ng PRO CAR ang dedikasyon nito sa pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at pangangalaga sa kalikasan alinsunod sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PRO CAR

Leave a Reply